Tuesday, April 26, 2005

malayang tumilamsik ang plumang isinuka ng isip...

Guten Nachmittag jeder

ako c jayson , mas kilala
bilang bonito o anubis. d ko alam kung
saan nila kinuha ang mga katawagang ito,
ngunit para sa akin ay ayos lang.

kamusta tayong lahat? marahil nagtataka
kayo, kung bakit ngayon lng ako nagsulat
sa mga pahina ng ating blog. siguro ay
dahil wala lang akong maisusulat, kahit
ngaun, hindi ko rin alam kung bakit ko
sinusulat ito. pero dahil sa hindi
maipaliwanag na kadahilanan, eto ako,
nagsusulat ng mga walang kabuluhang bagay.
isang palaisipan sa akin kung bakit
hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa
peoplesupport. marahil mahirap lang
talagang maghanap ng trabaho ngaun, isa
pa, makikipagsabayan ako sa mga bagong
saltang mga kabataan sa bagong mundo. isa
pa, hindi ko rin alam kung saan ko gustong
humanap ng pagkakakitaan. hindi ko gusto
ang kursong tinapos ko. marahil ay nadala
lamang ako ng mga kabarkada ko noong
hayskul, pero dahil na rin sa hindi ako
nakapasa sa UP ay sa probinsya ako
bumagsak.

Alam ko ring marami sa inyo ang
hindi gusto ang kapaligiran dito sa call
center. hindi ko kayo masisisi, minsan
nararamdaman ko rin yan. kailangang
magtiis. "come what may" ika nga, para sa
pamilya ko, at para na rin sa aking
sarili.

isang pagsubok ang makisalamuha ang iba't
ibang tao dito. hindi nyo alam kung gaano
ako nahirapan. maski hanggang ngayon. pero
salamat sa inyo, marami akong natutunan,
hanggang ngaun.

ipagpaumanhin kung minsan masyado akong
nagiging sensitibo, mainitin ang ulo at
pikon. ganyan lng talaga ako, at hanggang
ngayon ay pinag-aaralan ko pa ang mga
bagay tulad ng pasensya, mabuting
pakikisalamuha at pakikisama. ipaalam nyo
lang kung may problema kayo sa akin para
maiwasan ko na kung kanino pa maririnig
ang mga problema nyo sa akin.
ipagpaumanhin.

hindi nyo alam kung gaano kawalang
direksyon ang aking buhay. hindi ko rin
alam kung ano ang nag-uudyok sa'king
magpatuloy. hindi ko talaga alam kung ano
ang aking hinaharap. walang patutunguhan.
ngayon ko lang nasabi ang mga ito, dahil
ngayon ay parang naaburido ako. pasensya n
at dito ko pa naiibulalas ang mga ito.
maayos lang ako. sa ngayon. salamat sa
inyong lahat.

plano ko ay sa mahiwagang-daliri ko ito ilalagay, ngunit nagdalawang isip ako, kaya dito na lang sa sarili kong blog inilagay.

isang mapagpalang hapon.

2 comments:

dazzled said...

at long last, nag ppost nren xa. hai, if i can only feel how you really feel inside. e grabeh! mas tahimik kpa saken. so far, i dont have any problems with you. ok k ksama. u listen to every bit of a problem, and the latest chikas. hehe. tnx for being u. for the friendship. if u need anything, and2 lng kme!

Reich said...

lalim talaga managalog ang mga batangueƱo...

wala akong masasabing hindi maganda sau kundi pakiramdam ko eh, madali at masama kang magalit...

ok lang yun, kasi ganan din ako.

nababasa mo nga ang naiisip ko di ba? creepy? hindi po. tingin ko lamang, si anubis ay aking kindred spirit.

salamat sau ng sobra. isa kang tunay na kaibigan.

wala lang.