Saturday, February 02, 2008

Liwanag

minsan, isang umaga akong nakatunganga
nakapangalumbaba at napapabuntung-hiningang iniisip ang kasasapitan ng buhay
mga bagay bagay na kailanman ay hindi maiwawaksing parang guni guning paulit ulit na binabagabag ang aking utak

hanggang kailan?
hanggang saan?
Hindi alam ang patutunguhan at hindi maisip kung saan ang pinanggalingan
sikat ng araw ay nasisilayan subalit puno ng maiitim na ulap ang natatanaw

saan ako makakakita ng liwanag?
sinong gigising sa aking natutulog na buhay?
anong kinabukasan ang iaalay ng tadhana sa akin?
mga tanong na walang kasagutan, mga sagot na walang kahihinatnan.

1 comment:

Anonymous said...

minsan mas gusto ng taong manatili sa dilim...
para may dahilan ang mga pagkakamali, para may katwiran sa mga tanong

ikaw lang ang may kapangyarihang pasikatin ang araw mo
ikaw lang ang may desiyon na humawi sa ulap nito

sana matagpuan mo ang hinahanap mo...