Sunday, July 03, 2005

yakap

habang yakap yakap ka
sa gabing ito na walang kasiguruhan
tanging nasa isip lamang
ikaw, at wala ng iba
ipinaramdam mo sa'kin ang tamis
ng yong pagmamahal
walang kaparis na ligaya
ang iyong hinandog, ibinigay...

sa bawat minuto at segundong
tayo'y magkahawak kamay
walang ibang gustong maramdaman
walang ibang gustong masilayan
ang tamis ng iyong mga ngiti
ang malambot mong mga salita
iyon lamang ang gustong marinig
iyon lamang ang gustong makita

sa pagsulyap ko sa iyong mga mata
sa paghawak ko sa maamo mong mukha
kay dami kong gustong sabihin
kay dami kong gustong gawin
nais kong wag ng matapos ang gabing ito
makatulog ng mahimbing sa tabi mo
upang maranasan muli sa aking panaginip
buong katauhang inalay sa akin

sana maulit muli ang gabing ito
ako sa iyo'y nagsusumamo
ikaw lamang ang laman ng isip ko
ang laman ng buong puso ko
nais muling masilayan ang maganda mong mukha
muli maranasan ang pagdampi ng ating mga labi
ang muli kong pagsilay sa iyong mga mata
sana'y lagi kang kayakap... upang pagmamahal mo'y laging madama..

No comments: